How to Start Building Authority on Social Media

Gusto mo ba ma-build ang profile mo online as a person of Authority?

Gusto mo ba makita ka ng mga prospect mo online as a leader?

Gusto mo bang makita ka nila as a person na dapat nilang makasama sa business?

In today’s post I’ll share with you some tips na na-discuss sa team namin kung pa’no mo mabi-build ang authority mo online.

Especially on Facebook, para maka-attract ng mas madaming prospects para sa product or business mo.

What to promote online to build your Authority

Alam mo ba na isa sa pinaka-malaking pagkakamali ng mga network marketers na gumagamit ng Facebook Marketing ay ang pagma-market ng product or company nila online?

Araw-araw kapag nag-open ka ng Facebook malamang makakakita ka ng post tungkol sa isang product or business opportunity.

Either through Facebook Ads or ang mas matinindi, ay sa mismong personal profiles o wall ng mga network marketers sila nagpo-post ng tungkol sa mga product or services nila.

Sometimes ay itatag pa nila yung mga Facebook Friends nila na hindi naman part ng team or buyer ng product dun sa post tungkol sa product or company.

 

Ngayon bago mo itanong sa ‘kin na “Teka, hindi ba kaya ako nasa network marketing industry ay para mag-market ng product at humanap ng mga maii-sponsor sa business ko?”.

Oo dapat nga naman pero ang problema sa pagma-market ng product or opportunity mo directly on Facebook ay mas natu-turn-off ang prospects mo imbes na ma-curious sila.

Isipin mo ‘to saglit, kelan ba ‘yung huling beses na tinanong mo sa sarili mo “Makapanood nga ng TV baka may magandang commercial”? 

Kung naaalala mo yung mga Joliibee valentine commercials for 2017, nagamit nila ng husto yung bagay na ire-reveal ko sa’yo dito sa blog post na ‘to kaya sumikat ng husto yung mga commercial nila.

Or eto pa isa, “Ano kayang movie ang magandang panoorin ngayon? Yung madaming product placements para mas enjoy.

Feeling ko hindi mo pa natanong sa sarili mo yan and that’s the same mindset na meron ang prospects mo.

Wala sa mga prospect mo ang magi-isip na “Ano kayang network marketing company ang meron sa Facebook na pwede kong salihan or bilihan ng products ngayon?“.

Providing Value builds Authority

So kung hindi yung product or opportunity ang ipo-post ko, eh anong ipo-post ko?

Kung gusto mong maging isang Authority sa prospects mo then the best way is to post content na may value sa prospects mo.

Eh ano ba yung may value sa prospects ko?

This depends kung sino ang prospects mo online, but let’s define kung ano ang value para sa prospect mo.

Value is anything na makakapag-improve ng buhay ng prospect mo.

On Facebook, may 2 klase ng value kang pwedeng i-bigay through your posts.

First is to entertain and the other is to educate.

Entertain your prospects through posts

One of the main reasons na nasa Facebook ang prospect mo is to connect with other people and also to be entertained.

The reason kung bakit nagiging viral ang isang post sa Facebook is because nae-entertain or nakakarelate yung mga users sa laman ng post.

For you as a network marketer, pwede mong gamitin ‘tong idea na ‘to para ma-attract ang prospects mo sa’yo by posting entertaining things na makaka-relate ang prospect mo.

Pwede kang mag-post ng pictures mo kasama ang family or team mo while you’re having fun at pwede ring funny videos, pictures, or positive quotes.

Basta anything na makaka-relate ang mga prospect mo.

Anything na makakapag-pagaan ng loob ng prospects mo is also a good idea.

Educate prospects to build your Authority

The next one is, and the fastest way to be an Authority figure, is to educate your prospects.

Dito kailangan mo na malaman kung anu-ano ba yung mga bagay na pino-problema ng prospects mo.

Yung mga bagay na hindi lang basta gusto pero kailangang-kailangan nilang ma-solve.

The deeper the pain or the bigger the problem na pwedeng ma-solve ng kung ano mang ipo-post mo then that would translate into your prospects trusting you more.

The more na nakakatulong sa prospects mo yung mga posts na ginagawa mo on Facebook the more na nare-register sa kanila ang habit ng pag-follow, pag-like at pag-share ng mga posts mo.

Habang ginagawa mo ang routine ng pagpo-post ng content sa Facebook dito unti-unting nabubuild ang credibility at ang Authority status mo with you’re prospects.

You will be seen as someone na nagso-solve ng mga problema instead of someone na nagpi-pilit lang mag-benta or mag-sponsor ng tao sa business.

Once na nag-reach out ka sa prospects mo then mas open na sila sa suggestions mo instead of them na nag-aalangan na makipag-usap sa’yo.

Main points when building Authority online

Before closing, eto ang mga bagay na dapat mong tandaan when using Facebook to build your business and Authority online.

  • Think like your prospects
  • Entertain or educate your prospects
  • Provide value instead of trying to get your prospects interested in your product or business.
  • Do not talk about your business, product or anything that would benefit you in your posts
  • Solving problems for your prospects is the fastest way to become an authority figure for them

Kung nakatulong sa’yo ang mga tips sa post na ‘to then make sure to share this sa mga taong alam mong matutulungan din ng post na ‘to.

And if you want to know more kung pa’no mo mas madaling mai-invite ang mga prospect mo para tingnan ang business opportunity mo then make sure to get a copy of our e-book:

Quick Prospect Invitation Guide 

together with our inside report

Top Earners Prospecting Techniques and Mindset Cheat Sheet

absolutely FREE!

Download my FREE copy!

For more marketing strategies and tips para sa business mo then make sure to like our page, and join our private FB group using the links below:

Online Pinoy Facebook Page:

https://www.facebook.com/onlinepinoymarketing/

Online Pinoy Private Facebook Group:

https://www.facebook.com/groups/onlinepinoymarketing/

And connect with me on Facebook:

https://www.facebook.com/johnphilip.panti