How to Know Your Perfect Prospect

Sino ba ang perfect prospect para sa products o business mo?

Sino ba yung may malaking chance para sumali sa team mo or yung paulit-ulit na bumili ng product mo?

Kapag nakita mo yung prospect na yan mas madali mo bang magagawa yung business mo?

Kung hanggang ngayon ay iniisip mo pa kung sino ba or kung meron ba talagang perfect prospect para sa business or product mo then sa dito sa post na ‘to ay bibigyan kita ng mga tips para malaman mo kung sino ba ang perfect prospect mo para sa online marketing.

What is a customer avatar for your prospect and why you need it

Ang customer avatar ay ang profile na ginagawa ng mga online marketers para malaman yung tipo ng prospect na babagay sa product o business na io-offer n’ya.

Sila yung mga may want need para sa product or business na ino-offer ng marketer.

Gamit yung profile na ‘to mas madaling nalalaman ng mga online marketers kung saan at pa’no sila ia-approach or maa-attract  papunta sa product or business na gusto niyang i-offer.

What benefits do you get a customer avatar for your prospect

Mahalaga na malaman mo as a marketer kung sino or kung ano ang profile ng perfect prospect para sa product or business mo.

Without a customer avatar ay mahihirapan kang hanapin, mag-create ng content, o bumuo ng online strategy para ma-attract ang mga prospect mo.

Kung wala kang ginagamit na profile ng prospect na gusto mong isama sa team mo or yung may want o need para sa product or business mo then halos lahat ng prospecting at marketing efforts mo ay mas maliit ang chance na magkaroon ng resulta.

Ang sabi nga ng mga mentors ko “If you’re marketing to everyone, then you’re marketing to no one“.

Once na nagawa mo na ang customer avatar para sa perfect prospect mo then pwede mo nang umpisahang planuhin yung strategy mo para sa online marketing.

Using a customer avatar para sa prospect mo pwede mo na ma-anticipate at pagplanuhan yung mga sumusunod;

  • Saang Social Media site ba madalas naka focus ang prospect mo.
  • Anong products or services ba ang madalas tinitingnan ng prospect mo online.
  • Saan ba mas maganda maglagay ng advertisment para sa product or service mo online
  • Pa’no ba dapat kausapin yung prospect mo, meaning anong mga words or stories ba yung pwede mong gamitin about your product or business para mas makakarelate sila.
  • Pa’no mo ipo-position yung product or business mo para makita nila ‘to as a solution to their problems at hindi isang bagay na gusto mo lang ibenta sa kanila.

How to create a customer avatar for your prospect

Madali lang ang pag-create ng isang customer avatar.

Kakayanin mong makagawa ng profile ng perfect prospect in 10 to 30 minutes.

Imagine as if dinesign yung business or yung product mo para sa iisang tao lang, kaya be specific as possible.

Ang pinakamahalagang bagay na lagi mong dapat tandaan while creating a customer avatar para sa business or sa products mo ay ito yung grupo ng prospect that you will serve through your marketing efforts.

So make sure na kung ano man yung ilalagay mo for the profile ng prospect na ginagawa mo, especially kung ito yung profile ng tao na gusto mong isali sa business mo, is something na makakatulong para mabuo yung culture na gusto mo para sa team mo.

Para naman sa profile ng prospect na magiging consumer ng products mo mas madali na ‘yon since  may idea ka na tungkol sa mga issues na kayang solusyonan ng product mo.

Here’s a few examples ng mga bagay na pwede mong ilagay sa customer avatar mo:

Be as specific as you can sa pag-create ng profile para sa prospect mo.

Yung profile na ginagawa mo ay dapat na katulad ng isang totoong tao. Lagyan mo ng pangalan at kahit picture ang profile ng prospect mo. Bigyan mo ng istorya ang profile ng prospect mo.

The more specific you can get sa profile ng perfect prospect mo mas magiging madali magdevelop ng strategy at content na magugustuhan nila.

Below is an example ng customer avatar, and as a bonus gagawin natin ‘tong profile ng prospect na pwede mong gamitin para sa network marketing business mo.

  • Name – Gary
  • Gender – Male
  • Age – 35
  • Marital Status – Married
  • Children – 2
  • Trabaho – Office Worker
  • Monthly Salary – Php 25,000/month
  • Saan s’ya nakatira – Quezon City
  • Hobbies – Basketball, movies, video games
  • Routine n’ya everyday – After ng office magco-commute pauwi. Makakarating ng bahay after 1 or 2 hours dahil sa traffic. Pagod na pero kakamustahin ang asawa at mga anak. Magpapahinga sa sala habang nanonood ng TV at kumakain ng hapunan. Pinauna na n’ya ang mag-iina n’ya kumain dahil nga gagabihin s’ya. Manonod ng movie or maglalaro ng video game bago matulog. Kapag day-off ay bonding time kasama ang pamilya n’ya. Paminsan-minsan mamamasyal sa labas kung may extrang budget sila.
  • Goals ng prospect mo – Makapag-ipon ng puhunan para sa maliit na negosyo. Something na pwedeng gawin sa bahay para may pinagkaka-kitaan si misis. Paghandaan ang pag laki ng mga anak, lalo na ang pang-enrol nila sa college. Sa isip ni Gary kailangan n’ya ng at least Php 100,000 na savings para mapanatag ang loob n’ya.
  • Frustrations ng prospect mo – Wala sila ga’nong ipon dahil kadalasan pagkatanggap ng sahod ay napupunta na ‘to pangbayad ng gastusin sa bahay. Hindi halos tumataas ang sahod niya sa opisina kaya natatakot na s’ya sa paglaki lalo ng gastusin pag lumaki na ang mga anak n’ya. Pakiramdam n’ya wala s’yang extrang oras para gumawa ng extrang income.
  • Reasons kung bakit di pa n’ya naso-solve yung problema n’ya – Walang sistema na pwedeng gamitin si Gary para kumita ng extra. Walang nagtuturo sa kanya at sa misis pa’no gamitin ang extrang oras nila. Walang team na tumutulong sa kanila para matutong mag-business. Hindi alam ni Gary na may mga legal na network marketing companies kaya takot s’ya na pumasok sa ganitong industry. Puro narinig lang ni Gary ang mga bagay na kinakatakutan n’ya tungkol sa network marketing businesses.

Main point in using customer avatars for your prospect

Ang example sa taas ay isa lang sa mga profile na pwede mong gawin. Depende sa product or business mo pwede ka pang gumawa ng iba’t ibang profiles.

Ang pinakamahalagang point dito ay dapat na kilalanin mo ang grupo ng mga tao na gusto mong i-reach out sa social media.

Using an avatar katulad nung sa taas mas magiging madali ang pag market mo sa social media dahil halos kakilala mo na ang mga taong gusto mong kausapin or ma-attract.

Mas madali mo na malalaman kung pa’no mag-research tungkol sa wants or problems na mahalagang i-solve according to your prospects.

Mas madali ka din makakapag-generate ng post na makaka-attract sa kanila dahil very targeted ang topics na gagamitin mo.

At parang nakikipag usap ka lang sa isang kaibigang matagal mo nang kakilala since may background kang gagamitin for your online prospect.

Kung nakatulong sa’yo ang mga tips sa post na ‘to then make sure to share this to people who you know will also get value from this.

And if you want to know more kung pa’no mo mas madaling mai-invite ang mga prospect mo para tingnan ang business opportunity mo then make sure to get a copy of our e-book:

Quick Prospect Invitation Guide 

together with our inside report

Top Earners Prospecting Techniques and Mindset Cheat Sheet

absolutely FREE!

Download my FREE copy!

For more marketing strategies and tips para sa business mo then make sure to like our page, and join our private FB group using the links below:

Online Pinoy Facebook Page:

https://www.facebook.com/onlinepinoymarketing/

Online Pinoy Private Facebook Group:

https://www.facebook.com/groups/onlinepinoymarketing/

And connect with me on Facebook:

https://www.facebook.com/johnphilip.panti