How To Attract Your Perfect Prospects Online

Nahihirapan ka ba mag-attract ng prospects online?

Onti lang ang nagla-like ng post at nagi-iinquire sa business mo?

Gusto mo bang maka-attract ng mas madaming prospects at inquiries para sa business mo?

Dito sa post na ‘to ay bibigyan kita ng mga mahahalagang tips kung pa’no mo maa-attract ang mga perfect prospects para sa business mo.

Ano ba ang mga kailangan ko para ma-attract ang prospects sa business ko?

May mga importanteng bagay na dapat mong ma-establish bago mo maumpisahang ma-attract ang mga ideal prospects mo para sa business mo.

Kung wala yung mga bagay na ‘to ay siguradong mahihirapan kang makita at lalung-lalo na yung ma-attract, ang mga perfect prospects para sa business mo.

Una sa lahat dapat mag-decide ka kung sino ba ang perfect prospect para sa product o business mo. Sa mundo ng online marketing ito yung tinatawag na customer avatar para sa product o business mo.

Pangalawa ay dapat malaman mo kung ano ba talaga yung mga problema na gustong ma-solve ng prospect mo dahil ito mismo ang makaka-attract sa kanila papunta sa’yo at sa solusyon na maio-offer mo.

At pangatlo ay kailangan mong malaman kung paano ba ang pinaka-effective way para makita ng mga prospect mo ang tungkol sa solusyon na maibibigay ng product or business mo.

Customer Avatar for your perfect prospects

Ang customer avatar ang profile ng tao na pwedeng-pwedeng matulungan ng product o business mo. Sila yung grupo ng mga tao na nangangailangan at active na naghahanap ng solusyon para sa problemang meron sila.

Itong profile na ‘to ang magiging guide mo para sa halos lahat ng mga strategy na gagamitin mo online para maka-attract ng prospects.

Kapag naka-pag decide ka na sa profile ng perfect prospect na gustom mong ma-attract then sunod naman na kailangan mong alamin is kung ano ba talaga ang mga pinakap-urgent na problemang gustong solusyonan ng prospect mo.

Finding your perfect prospects

Using the internet to search for your prospects, lalong-lalo na sa social media. Isa sa pinakamadali at pinaka-common na paraan para makita mo ang mga prospects mo at malaman yung mga bagay na iniisip nila is by checking out Facebook groups.

Let’s say na health and wellness ang products na ino-offer ng business mo, what you can do is hanapin ang mga Facebook groups na tungkol sa health and wellness.

May mga groups na tungkol sa weight-loss, dieting, or tungkol sa pag-detox ng katawan.

Depende sa customer avatar na gamit mo para sa perfect prospect mo then pwede ka mag-join dun sa mga groups na malamang ay sasalihan ng prospect mo.

Once na nasa group ka na ay pwedeng-pwede mo nang tingnan yung mga bagay na madalas pag-usapan at lalong lalo na yung mga tanong na madalas ipino-post ng mga taong nagma-match sa profile ng perfect prospect mo.

Kapag mas madalas na lumalabas ang isang topic sa mga post or mga tanong ng prospects mo then ibig sabihin isa ‘to sa mga pinaka-matinding problema na gustong i-solve ng prospects mo.

Attracting your perfect prospects

Once na mapili mo na yung mga issue o topic na pinaka-madalas itanong or i-post ng perfect prospects mo then pwede mo nang umpisahang gumawa ng content na makakatulong sa kanila to solve the problem.

Again let’s say na health and wellness ang industry na kinabibilangan mo.

You can create a post tungkol sa mga pag-kain na pwedeng maka-solve ng problem nila.

Ilagay mo yung mga ingredients or nutrients na nasa mga pagkain na nirerecommend mo na makakatulong sa problema nila.

Or pwede kang mag-suggest ng exercise na makakatulong para condition na pinoprobleman nila.

Then mag-recommend ka ng mga supplement na pwede nilang i-take kasabay ng pag-eexercise para mas maging effecting or mabilis ang pag-solve sa issue ng prospects mo.

Kahit anong post na gawin mo na makakasagot or makakapagbigay ng tip tungkol sa problema ng prospects mo ay sigurado na makaka-attract ng mga interested prospects sa’yo.

The better the tip or the answer na kaya mong ibigay sa mga perfect prospects mo, mas malaki ang chance na magreach-out at mag-inquire sila sa’yo.

Ngayong na alam mo na kung sino ang perfect prospects mo gamit ang customer avatar na ginawa mo para sa kanila.

At alam mo na din yung mga problema na gusto nilang masolusyonan.

The next thing na kailangan mo malaman is kung pa’no ba makikita ng mas madaming prospect mo yung tungkol sa solution na meron ka.

Showing the solution to your perfect prospects

Kung kagaya ng madaming network marketers ay sa Facebook ka din nagma-market ng products or business mo then ang mga pinakamadaling way para makita ng prospects mo ang solutions na ino-offer mo ay through the following ways.

  • Personal Post or Wall Post – Isa sa pinakamadling way para maipakita mo ang solution na ino-offer mo ay through your own wall post. Kung meron sa mga taong nasa friend list mo ang nahahanap din ng kaparehong solusyon then madalas ay magi-inquire sila sa’yo
  • Facebook Groups – Being a member ng group o groups na madalas salihan ng perfect prospects mo is a very big advantage para sa’yo. Everytime na magpo-post ka ng solution or tip sa group ay malamang na makaka-attract ng inquiries from prospects.
  • Facebook Page – You can use Facebook Pages in 2 ways. Una ay katulad ng Facebook groups, pwede mong hanapin ang mga celebrity or mga kilalang company na madalas i-follow ng perfect prospects mo. Once na makita mo ang mga page ng celebrities at companies na ‘to then pwede mong i-share through commenting yung mga tips or solutions para sa problema ng perfect prospects mo lalo na kung match ito sa post ng page na pina-follow nila. Second way is mag-create ka ng sarili mong Facebook page at dito mo i-post ang mga tips at solutions mo para sa mga perfect prospects mo. At ang isa pa sa malaking advantage kapag may sarili kang Facebook page ay pwedeng pwede mong i-boost ang post mo using the next strategy.
  • Facebook Ads – Gamit ang page na ginawa mo pwedeng-pwede mong i-boost ang post for your tips and solutions para mas maraming prospect mo ang makakita ng mga post mo. Pwedeng-pwede mo piliin sa Facebook Ad na gagawin mo kung sino lang ang mga taong gusto mong makakita ng post mo. To make sure na yung mga perfect prospects mo lang ang makakita nito at hindi masasayang ang budget mo.

Once na ma-implement mo na ang mga bagay na to sa online strategies mo then most likely na mag-uumpisa ka na din na maka-attract ng mas madaming perfect prospect para mag-inquire tungkol sa product or business mo.

Kung nakatulong sa’yo ang mga tips sa post na ‘to then make sure to share this sa mga taong alam mong matutulungan din ng post na ‘to.

And if you want to know more kung pa’no mo mas madaling mai-invite ang mga prospect mo para tingnan ang business opportunity mo then make sure to get a copy of our e-book:

Quick Prospect Invitation Guide 

together with our inside report

Top Earners Prospecting Techniques and Mindset Cheat Sheet

absolutely FREE!

Download my FREE copy!

For more marketing strategies and tips para sa business mo then make sure to like our page, and join our private FB group using the links below:

Online Pinoy Facebook Page:

https://www.facebook.com/onlinepinoymarketing/

Online Pinoy Private Facebook Group:

https://www.facebook.com/groups/onlinepinoymarketing/

And connect with me on Facebook:

https://www.facebook.com/johnphilip.panti