The Easiest Way para Sagutin ang Tanong na “Magkano Na Kinita Mo?” Kung Wala Ka pang Resulta

Isa sa mga pinakamabigat na tools for persuasion na ginagamit ng mga marketers both online at offline ay ang pagpapakita ng resulta from the use of their product or service. Nakabase ito sa idea ng social proof, o yung pagsunod or pagtanggap natin sa views ng karamihan.

At hindi rin iba sa mga networkers ang paggamit ng method na ‘to.

Kadalasan after ng business presentation sa office ay may mga pupunta sa harap para magbigay ng “testimony” at magpapakita ng mga earnings nila. Or sa dulo ng mga video presentations i-papakita nila yung mga pictures ng mga top earners.

This is to show prospects na may mga taong kumikita from the business.

Pero pa’no kung kakaumpisa mo pa lang sa company n’yo o kakapasok mo pa lang sa industry ng network marketing? Or pa’no kung matagal ka na pero wala ka pa naman talagang mapapakitang resulta?

Pa’no mo sasagutin ang prospect mo kung itatanong n’ya sa’yo ang “Magkano na ba kinita mo d’yan?”.

Let me share with you a tip na nadiscuss sa group namin kung pa’no mo masasagot ang prospect mo with needing to hype or mag-pilit na i-convince ang prospect mo.

The easiest way to answer your prospect kahit wala kang resulta

The easiest way to answer this question from your prospect is to use this script:

“Actually kakaumpisa ko pa lang din sa business na ‘to. 

The best part is that kahit na nag-uumpisa pa lang ako may mentor ako/may mga mentors (depende sa group mo) ako na kumikita na from the business at naka-focus sa pagtuturo sa ‘kin ngayon. 

To make sure na matutunan ko step by step yung business at kumita din ako.

Kung open ka din tumingin ng possible extra income para sa’yo then papakilala kita sa kanya/sa kanila para ma-explain sa’yo, using our system, kung ano lang yung mga dapat mong gawin”.

You can edit this script depende sa point kung kelan ka tinanong ng prospect mo. Kung nag-iinvite ka pa lang or kung after na nila umatend ng presentation or manood ng company video.

Why this will work kahit wala ka pang resulta na maipapakita

There are a few points na dapat mong maintindihan sa script na ibinigay ko.

One, hindi naman talaga mahalaga kung ga’no na kalaki ang kinita mo para sumali ang  prospect mo. Madalas naitatanong na lang nila yan as a way para maiwasan na mag-decide para sa sarili nila kung gagawin ba nila yung business.

Kung desidido ang prospect mo about earning sa business then kahit pa sa team mate mo ang magpakita ng resulta then hindi na mangungulit pa ang prospect mo about results.

Two, hindi mo ilalagay ang focus sa resulta mo kundi dun sa mga may ipapakita na. Gusto lang makasigurado ng prospect mo na hindi lang show yung pinakita sa kanya.

And three, by saying na may magpapakita sa kanila on how to do the business again shifts the focus from you papunta dun sa mga experts na pwede mag-guide sa prospect mo. By saying na kung ano lang ang dapat nilang gawin means na hindi na kailangang magumpisa sa wala kundi gawin lang ang business na katulad ng ginagawa n’yo ng team mo.

Kung nakatulong sa’yo ang mga tips sa post na ‘to then make sure to share this sa mga taong alam mong matutulungan din ng post na ‘to.

And if you want to know more kung pa’no mo mas madaling mai-invite ang mga prospect mo para tingnan ang business opportunity mo then make sure to get a copy of our e-book:

Quick Prospect Invitation Guide 

together with our inside report

Top Earners Prospecting Techniques and Mindset Cheat Sheet

absolutely FREE!

Download my FREE copy!

For more marketing strategies and tips para sa business mo then make sure to like our page, and join our private FB group using the links below:

Online Pinoy Facebook Page:

https://www.facebook.com/onlinepinoymarketing/

Online Pinoy Private Facebook Group:

https://www.facebook.com/groups/onlinepinoymarketing/

And connect with me on Facebook:

https://www.facebook.com/johnphilip.panti