6 Effective Ways to Improve Your Closing Strategy

Nahihirapan ka bang pagdating sa closing ng prospects para sa business mo?

Let’s say na napanood na ng prospect mo yung video or tapos na mag-present si upline mo ng business presentation ng company n’yo sa prospect mo.

So pa’no mo ba sila mapapa-sign up sa business n’yo?

Pa’no kung tinanong mo sila kung gusto na nilang mag-umpisa pero biglang may objections ang prospect mo?

Ano-ano ba yung mga pwede mong gawin at ano ba yung mga dapat mo tandaan when you’re trying to close prospects sa business mo?

In today’s blog post we’ll go through some closing tips na itinuturo sa team namin para magkaroon ka ng mas effective na strategy when it comes to getting prospects started.

I’ll also include 4 questions na pwede mong gamitin sa prospects mo to find out what they want and how to close them in your business.

Malaki ang maitutulong nito sa’yo lalo na kung nag-uumpisa ka pa lang na network marketer para makapag-start kang palaguin ang business mo.

How to develop a better closing strategy for your business

Closing new members to your business is one of the most important parts ng network marketing business mo.

Kung hindi ka makakapag-close ng mga bagong tao sa business mo ay malamang na maliit or worse ay wala kang kikitain.

So ano ba ang mga pwede mong gawin at may paraan ba para ma-improve ang chances na mag-sign up ang prospects mo?

Here are a few things na dapat mong gawin or tandaan when it comes to getting prospects to commit sa business mo.

  • Get comfortable with questions, objections, and rejections – Napaka-bihira ng prospect na walang tanong or objection tungkol sa offer mo. The main thing na kailangan mong tandaan ay objections are the best way para malaman mo kung ano ang kailangan ng prospect mo para sumali sa business mo. Once na ma-satisfy mo ang objection ng prospect mo then most likely ay makakapag-umpisa na sila in doing the business with you.
  • Talk to more people – Kahit na ga’no pa kaganda ang video ng business presentation n’yo or ga’no kagaling si upline o ikaw mismo sa pag-present ng business ay bale wala din ‘to kung onting tao lang ang makakakita nito.
  • Follow-up on prospects to close them – Madalas na mistake ng mga network marketers is thinking na kailangang mai-close mo agad ang prospect sa isang presentation lang. There are prospects na kailangan mong i-follow up para makapag-decide sila. There are times na may mga bagay silang kailangan malinawan para makapag-umpisa sila sa business with you. Kung hindi man sila mag-sign up agad after your presentation make sure to follow-up with them. If you want tips regarding follow ups with your prospects then you can read them here.
  • Ask more questions to your prospects – The best way to get your prospect started sa business mo is when your business solves a problem or fills a need na gustong-gusto i-solve ng prospect mo. The way para malaman mo ang mga bagay na ‘to at mai-position mo ang business mo as a solution is by asking them more questions. Kung sa’yo mismo manggagaling ang mga reasons kung bakit dapat nila gawin ang business ay magiging cause ito ng objection because of the fact na sa’yo nanggaling yun mga reasons na sinabi mo at hindi sa prospects mo.
  • Talk about the things that your prospect likes – Katulad ng naunang tip, this focuses on the things na nagustuhan ng prospects mo. Don’t try to get them interested sa mga bagay na ikaw ang may gusto, remember that your prospect does not care about what you want but in what they want.
  • Stop selling when the prospect says they want to get started – Isa pa sa mga mistake na ginagawa ng mga network marketers ay ang pago-oversell ng business nila. Madalas kapag sinabi ng prospect na gusto na nilang mag-umpisa sa business ay pinipilit pa silang bigyan ng mga additional info para ma-justify kung bakit kailangan nilang sumali instead of just getting the prospect to sign the application form and process the payment. You can give your prospects additional info kung gusto nilang gawin yung business but do it after they sign up.

4 Questions you can use in your closing strategy

Now that you have some of the basic ideas when it comes to getting your prospect started in the business, here are some questions na pwede mong gamitin sa pag-close ng prospects mo.

  1. Ano ba yung pinaka-nagustuhan mo dun sa pinakita namin sa’yo? – This is a great question to ask your prospect dahil this encourages them to think of the things na nagustuhan n’ya instead of those na ayaw n’ya. At every answer na ibibigay ng prospect mo will give you an idea kung ano yung mga pwede mong magamit sa pag-close mo sa kanya.
  2. Ano yung specific na bagay na kailangan mo para mag-proceed ka sa business na ‘to? – This is a another great question to ask your prospect dahil katulad nung nauna this will let you know kung pa’no makakapag-start ang prospect mo and para malaman mo kung may objection ba sila sa offer mo.
  3. Ano ba yung pinaka-reason mo bakit gusto mo ng “insert your prospect’s goal“? – This is a very powerful question to ask kapag nalaman mo na yung mga nagustuhan ng prospect’s mo about sa business mo. Ang focus nitong question na ‘to is to get your prospect to focus on their goals and the benefits na makukuha nila kapag na-reach nila yung goal nila. Dito mo malalaman kung ga’no ba ka-importante sa prospect mo na ma-reach ‘to at kung pano mo maipo-position ang business mo as the solution para makuha ng prospect mo ang goal n’ya.
  4. How soon are you looking to achieve yung goal mo na “insert your prospect’s goal”? – Using this question once na malaman mo ang goals or desires ng prospect mo then you can insert a sense of urgency sa prospects mo to take action. The more important yung goal na sinabi ng prospect mo for them then most likely na mas gugustuhin nilang ma-reach yun as soon as possible. This gives them a reason mag-start agad sa business mo.

Focus on your prospect’s needs at goals to know how to position your offer and use them to your advantage.

Kahit anong closing technique pa ang gamitin mo if you don’t know kung ano ang goals at desires ng prospect mo then wala din silbi ang pag gamit ng techniques.

Develop a sense of understanding sa situation ng prospect mo and it will be easier for you to close them sa business mo.

Kung nakatulong sa’yo ang mga tips sa post na ‘to then make sure to share this sa mga taong alam mong matutulungan din nito.

And if you want to know more kung pa’no mo mas madaling mai-invite ang mga prospect mo para tingnan ang business presentation n’yo then make sure to get a copy of our e-book:

Quick Prospect Invitation Guide 

together with our inside report

Top Earners Prospecting Techniques and Mindset Cheat Sheet

absolutely FREE!

Download my FREE copy!

For more marketing strategies and tips para sa business mo then make sure to like our page, and join our private FB group using the links below:

Online Pinoy Facebook Page:

https://www.facebook.com/onlinepinoymarketing/

Online Pinoy Private Facebook Group:

https://www.facebook.com/groups/onlinepinoymarketing/

And connect with me on Facebook:

https://www.facebook.com/johnphilip.panti

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *